Monday, December 17, 2012

Mga Unang Yugto sa Daigdig




1. 

http://www.youtube.com/watch?v=J8n1RRZZoMI&feature=youtu.be

2.  
http://www.youtube.com/watch?v=gD5TNEkwDBo


BANGHAY ARALIN
Pangkalahatang Impormasyon
May-akda
Hindi inilahad
Pamagat ng Aralin
Mga Unang Yugto  sa Daigdig
Pamamarati
45 minutes
Lugar
Silid-aralan
Asignatura/Yunit
Araling Panlipunan III
Antas
Ika- 7-10 baitang
Layunin at Pagtataya
Layunin
1.   Masusuri ang mga teoryang siyentipiko at pahayag sa Bibliya tungkol sa pinagmulan ng tao.
2.   Matutukoy ang mga katawagan at katangian ng mga unang tao at ang kanilang distribusyon sa daigdig;
3.   Mapaliliwanag kung paano umunlad ang kultura ng mga unang tao
4.   Maibibigay ang mga yugto ng panahon ng mga unang tao ayon sa mga kagamitan; at
5.   Mailalarawan ang mga pangunahing lahi ng tao sa daigdig.
Pagtataya
  • Aktwal na Partisipasyon
  • Paunang Pagsusulit
  • Panghuling Pagsusulit
  • Takdang Aralin
Paghahanda
Kagamitan/ Sanggunian
  • Manila Paper at Pentel pen
  • Kopya ng Aralin at mga Larawan
  • Modyul 2 Mga Unang Tao sa Daigdig
(Dahilan ng pag-gamit: Upang mas maintindihan ng mga mag-aaral ang bawat paksang tatalakayin at magkaroon ng mas malawak na kaalaman.
Paghahanda ng Mag-aaral
·         Paunang Pagbabasa batay sa paksang tatalakayin upang magawa ang mga aktibidad.
Pang-gurong Pamamaraan
·         Paghahanda ng mga kakailanganin sa pagtatalakay ng aralin.
·         Malawak na kaalaman ukol sa paksa.
Gawain
Gawain ng Mag-aaral
  1. Sumulat at ibahagi ang kaalaman tungkol sa sinaunang tao at mga teorya ng kanilang pinagmulan, at  yugto ng pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.
  2. I-pangkat ang klase sa tatlo. Pumili ng dalawang miyembro na pupunta sa harapan at ihanay ang mga labing natuklasan sa antas ng tao gamit ang mga larawan at italakay ang katangian ng bawat antas.
  3. Sa nasabing pangkat, pag-usapan ang mga ideyang isinulat at magdagdag ng impormasyon galing sa kopya  ng aralin na ibinigay. Isulat sa manila paper ang napagkasunduang sagot. Ilahad ang impormasyong isinulat ng grupo sa harap ng klase.
  4. Pumili ng tag-isang miyembro ang bawat grupo na nagpapakita ng katangian ng mga pangunahing lahi ng tao (Mongoloid, Caucasoid at Negroid) na nakaatas sa grupo at isang tapagsalita.
Gawaing Pang-guro
·         Magbigay ng mga katanungan na kaugnay sa paksang tatalakayin.Hayaang  magbigay ang mga mag-aaral ng kanilang sariling opinyon.
·         I-pangkat ang klase sa tatlo. Ibigay ang mga panuto sa gagawing aktibidad.
·         Gabayan ang mga mag-aaral sa pangalawang aktibidad.
·         Mag-atas ng isang paksa sa bawat grupo.
·         Magbigay ng mga katanungan sa mag-aaral:
o   Paano nagsimula at dumami ang iba’t ibang lahi sa daigdig?
o   Alin ang sa mga teorya ang sa palagay mo na pinagmulan ng tao?

                                                                                                Inihanda nina:

Daisy Bagatua               
Josefina Casas    
Mga Guro
Iniwasto ni:

SHERYL R. MORALES, Ph.D


PANIMULANG PAGSUSULIT 
Panuto: Suriin ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng tamang kasagutan.  

1. Panahong hindi nasusulat sa kasaysayan.
A. Mesolitiko     B. Neolitiko C. Prehistoriko       D. Paleolitiko 

2. Taong nakapag-isip at nakapangangatwiran.
A. Homo Sapien     B. Homo Erectus C. Homo Habilis     D. Taong Peking

3. Nag-isip at nagsimula ng pagpapangalan sa mga halaman at hayop ayon sa specie o uri.
A. Linnaeus Jean      C. Charles Darwin
B. Baptiste Lamarck    D. Conte de George Buffon 

4. Taong nakatatayo ng tuwid.
A. Homo Habilis     C. Homo Sapien     
B. Homo Erectus D. Taong Neanderthal 

5. Hominid, malaking bakulaw
A. Hominid            C. Homo      
B. Australopithecus D. Habilis Ramapithecus

6. Tawag sa taong sanay o bihasa.
A. Homo Sapien                       C. Homo Erectus        
B. Homo Habilis             D. Ramapithecus

7. Siya ang nagtaguyod ng teoryang maka-relihiyon.
 A. Linnaeus        B. Lamarck C. Buffon        D. Creationist 

8. Alin sa mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao ang higit na pinaniniwalaan ng mga siyentipiko?
A. Ebolusyon ayon sa atheistic materialism
B. Ebolusyon ayon sa Bibliya
C. Ebolusyon ayon sa alamat
D. Ebolusyon ayon sa paniniwala 

9. Nagpanukala ng teoryang “natural selection”
 A. Linnaeus        B. Darwin C. Buffon       D. Lamarck 

10. Pinanirahan ng mga hominid
A. Aprika B. Europe C. South America D. North America


I.             PANGHULING PAGSUSULIT 
Panuto: Suriin at ibigay ang tamang kasagutan. Bilugan ang titik.

1. Sa mga Homo Erectus, alin ang katulad ng modernong tao?
A. Taong Java                C. Taong Neanderthal
B. Taong Peking             D. Taong Cro-Magnon 

2. Tinawag na rebolusyon ang huling bahagi ng Panahong Neolitiko dahil sa pagkakaimbento ng
A. apoy B. busog at pana C. hasaan D. pagtatanim

3. Alin sa mga panahon ng pagsulong ang higit na nakatulong sa pag-unlad na kabihasnan?
 A. Panahon ng Metal    C. Panahon ng Bakal 
B. Panahon ng Bato       D. Panahon ng Tanso 

4. Isa sa mga labíng natagpuan sa Alemanya na tumutugma sa Homo Erectus
A. Taong Neanderthal    C. Taong Heidelberg
       B. Taong Tabon                D. Zinjanthyus 

5. Ang American Indian ay nabibilang sa lahing
A. Mongoloid        B. Negroid   C. Caucasoid        D. Alpine

IIa. Pagpapalalim ng Kaalaman 
Subukin mong alalahanin ang iyong binasang aralin. 

A.   Isulat sa patlang ang mga pangunahing lahi ng iba’t ibang bansa

_______ 1. Arabya
 ______ 2. Tsina
 ______ 3. New Guinea
 ______ 4. Singapore
 ______ 5. Pilipinas 

B.   Isulat sa patlang ang yugto ng panahon ng mga unang tao sa Daigdig ayon sa kagamitan

___________ 1. Pangangaso at pangingisda
____________2. Ginto ang kauna-unahang natuklasan
___________3. Nalinang mabuti ang paggawa at pagpapanday
___________ 4. Paghaluin ang tanso at lata
___________ 5. Dito naimbento ang sistema ng palitan sa Mesopotamia kung saan buto  ng Cacao ang unang gamit na produkto.
IIb.Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga katawagan at paliwanag sa pamamagitan ng paglalagay ng guhit sa magkatugmang bilang at titik sa Hanay A at Hanay B. 

   Hanay A                      Hanay B

 _____ 1. Homo Sapien                      A. Taong naglalakad ng tuwid.
 _____ 2. Homo Erectus                     B. Taong nag-iisip.
______3. Charles Darwin                   K. Tinawag na
______4. Teorya ng Paglalang                Pithecanthropus Erectus. 
_____5.  Taong Java                           D. kauri ng Taong Jav
                                                         E. Nilalang ng Diyos ang tao, ayon sa teoryang ito
.                                                        G. Proseso ng pagpili ng pook 
                                                                   na titirhan.




Gabay sa Pagwawasto

Pangunahing Pagsusulit

1. B
2. A
3. A
4. C
5. D
6. C
7. D
8. A
9. A
10. A

Panghuling Pagsusulit

I.

1. D
2. A
3. D
4. A
5. C


IIa.
          A.
1. Caucasoid
2. Mongoloid
3. Negroid
4. Mongoloid
5. Mongoloid

B.
1.Panahon ng Paleolitiko 
2. Panahon ng Metal    
3. Panahon ng Tanso     
4. Panahon ng Bronse    
5. Panahon ng Neolitiko

IIb.

1. B
2. A
3. G
4. E
5. K


No comments:

Post a Comment